Ano Ba Talaga Ang Kasamaan?
Gaano karaming beses mo narinig na dapat mabuti tayo at hindi masama, o na ang Diyos ay mabuti? Sa buong kasaysayan, nagkaroon ang mga tao ng ilang mga kakaibang ideya tungkol sa kung ano ang mabuti. Maraming tao sa iba't ibang sulok ng mundo ang nakagawa na ng pinaka-masama at kalagimlagim na mga bagay, ngunit isina-katwiran na ang mga ito ay tama. Sinabi sa John 16:2, "...darating ang panahon na ang taong papatay sa iyo ay magiisip na siya ay naglilingkod sa Diyos".
Ano ba talaga ang ibig sabihin ng kasamaan? Tingnan natin ang ilang mga bagay na nagla-larawan sa kasamaan, at subukan natin gumawa ng malawak na kahulugan nito.
Ang Kasamaan ay Tulad ng Isang Mandarayang Timbang
Ang Timbang ay mahalagang gamit nang unang panahon sa pagsukat ng butil, asin, at iba pang mga kalakal. Sinabi sa Deuteronomy 25:15 at sa Leviticus 19:36 ang kahalagahan ng perpekto at hustong timbang. Sinabi sa Proverbs 11:1 at 16:11 na ang hustong timbang ay kalugod-lugod sa Panginoon. Ang Proverbs 20:10,23 at Micah 6:11 ay nagko-kondena sa mga taong gumagamit ng naiiba at madayang timbang.
1. Isang kahulugan ng Kasamaan ay, "kung ano man ang hindi ko gusto." Kung ang lahat ng hindi gusto ay kasamaan, paano naman ang barena ng dentista, lanseta ng doktor na nago-opera, o dili kaya ay ang batang sumisigaw dahil ayaw uminom ng mapait na gamot? Paano naman ang magka-kontrang sitwasyon kapag dinidisiplina ng magulang ang isang anak? Kung ganoon, ito ay hindi isang magandang pagsasa-larawan.
Ang mga masasamang bagay ay may magagandang silbi din para:
Papinuhin ang ating pananampalataya. 1 Peter 1:6-7
Tulungan tayong mamatay sa kasalanan. 1 Peter 4:1
Suriin ang ating pananampalataya at magkaroon ng pagtitiis. James 1:2-4
Huwag magpa-gamit para sa sarili ngunit para sa iba. Colossians 1:24
Maging palatandaan para sa mga hindi naniniwala. Philippians 1:28
Likas na kasama ng pagiging isang kristiano. 2 Tim 3:12; Phh 1:29
Kung minsan ay wala tayong makitang ibang dahilan, maliban sa ang ating pagtitiis ay naglu-luwalhati sa Diyos. Job 1:8-12;2:2-6.
2. Ang isa pang kahulugan ng Kasamaan ay "kung ano man ang hindi nakakabuti sa akin." Kung ganon, paano na ang maling pag-aakala ng isang bata na masama sa kanya? Tulad ng pagkain ng gulay. Paano na ang kriminal na ikinukulong para sa kabutihan ng lipunan, at hindi para sa kanyang sariling kabutihan?
Sa ganitong katuwiran, may problema sa pananaw. Sa Corinthian 15:12-19, sinabi ni Paul na ang kanyang pagpapakasakit at pangaral ay walang halaga, at tayo ay magiging kawawang mga tao, kung si Kristo ay hindi tunay na nabuhay na muli mula sa kamatayan. Nakita ni Paul na ang pinaka mabuti para sa kanya at sa kanyang mga taong pinangaralan ay magiging naiiba kung si Jesus ay hindi muling nabuhay. Sa Matthew 10:39 at Mark 8:35, sinabi ni Jesus "Kung sino man ang maka-sumpong ng kanyang buhay ay mamamatay, at kung sino man ang mamamatay nang para sa akin ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan." Sa madaling salita, sino man ang gustong mawala ang kanyang maka-mundong buhay ay magkakaroon ng buhay na tunay at walang hanggan, at sino man ang nabubuhay lamang para sa buhay na ito ay mawawalan ng buhay. Kung ganon, ano man ang nakabubuti sa buhay ng isang tao ay depende kung ang iyong layunin ay para lamang sa isang maikli at maka-mundong buhay, o dili kaya ay para sa isang mahaba at walang hanggang buhay.
3. Ang ikatlong kahulugan ay, "kung ano man ang hindi nagdadala ng kabutihan sa lipunan." Sa John 11:49-52, sinabi ng pari na si Caiphas ang planong pagpatay kay Kristo, na "mabuti pang mamatay ang isang tao para sa nakararami, kaysa mamatay ang buong bayan." Kataka-taka ngunit siya ay tama. Hindi nito nagawang maging tama ang pagkaka-pako ni Jesus sa krus, ngunit ang pagta-traydor ni Judas kay Jesus ay isang mahalagang parte ng kamatayan ni Kristo, na nagbigay- daan sa ating pagkaka-ligtas. Ang ibig sabihin ba nito na si Judas ay ating bayani sa pagiging mabuti? ----- Hindi. Sinabi sa Acts 2:23, na si Jesus ay ibinigay sa pamamagitan ng isang naka-handang layunin at karunungan ng Diyos. Ngunit sinabi sa Mark 14:21 na mas mabuti pa kung si Judas ay hindi ipinanganak. Ang kanyang krimen ay karumaldumal, ngunit ginamit ng Diyos ang pagiging masama ni Judas para maibigay ang pinaka-malaking kabutihan.
Ano ang sukatan? Hindi lamang maraming tao ang gumagawa ng masasamang bagay, ngunit maraming tao ang hindi man lamang nakikilala kung ano ang kasamaan. Ang mandarayang negosyante, kapag nahuli, ay pwedeng magsabi, "Ang timbang ko ay tama; ang timbang ng iba ay mali." Ganun pa man, maari din natin sabihin na "ang kasamaan ay depende, at ang aking sariling pananaw ang magsasabi kung ano ang masama at mabuti para sa akin."
Sa Mark 10:18, sinabi ni Jesus na ang Diyos lamang ang mabuti. Ang mahalagang matututunan natin dito ay, ang Diyos ang sukatan ng kabutihan, at masasabi lamang natin ang tunay na mabuti at masama batay sa Kanyang sukatan. Ang isang madayang timbang ay ang inahit, hiniwa o kinaskas upang maging mas kaunti kaysa dati, ang kasamaan ay isang kakulangan sa kagustuhan ng Diyos. Tulad ng ang isang madayang timbang ay mas kaunti kaysa dating sinasabi, ang kasamaan ay isang kasinungalingan, isang pandaraya sa nilalang na kabutihan ng Panginoon.
Kaya upang maintindihan ang kasamaan, kailangan maintindihan na ang Panginoon ay mabuti, sa diwa na Siya, bilang isang Banal na Maylikha, ang nagtalaga ng sukatan para sa kabutihan.
Ang Butas Ba Ay Isang Bagay?
Ang mga tao ay maaring magkaroon ng ilusyon tungkol sa kasamaan, ngunit ang kasamaan ay hindi isang ilusyon. And mga tao ay pwedeng magkaroon ng ilusyon tungkol sa kahit anong bagay, ngunit ang ilusyon ay hindi nag-aalis ng katotohanan. Ang kasamaan ay tulad ng isang butas sa bukid ng kabutihan. Ang butas ay hindi isang "bagay" ngunit isang kawalan ng isang bagay. Hindi ito isang ilusyon, sapagkat ang tao ay pwedeng tumapak sa isang butas at mabalian ng bukong-bukong. Kung ang lahat ng kabutihan ay nagmumula sa Diyos, ang isang "butas ng kasamaan" ay isang bagay na hindi kabilang dito.
Kaya upang maunawaan ang kasamaan, kailangan natin maunawaan na ang Diyos ay mabuti, at walang lubos na mabuti kundi ang Diyos lamang. Ang Diyos ang nagbibigay ng kabutihan, at ang kasamaan ay isang kakulangan ng kabutihan.
Nilalang Ba Ng Diyos ang Mga Anino?
Hindi nga ba at ang Diyos ang naglalang ng lahat ng bagay? Kung gayon, nilalang din ba ng Diyos ang mga anino? Kung ang isang anino ay humaharang sa liwanag o nagpapa-liit ng isang bagay, nilalang ba ng liwanag o ng bagay ang anino? – Kung walang bagay, ay walang anino. Ngunit kung walang liwanag, ay wala rin anino. Maaring malito na ang anino ay isang ilusyon, ngunit ang mga ilusyon ay hindi nakaka-apekto, liban na lamang kung naniniwala ka sa mga ito. Ang mga halaman na nangangailangan ng sinag ng araw ay namamatay sa ilalim ng anino – kahit na ano pa ang paniwala ng tao.
Ang mga anino ay tunay na umiiral, ngunit ang mga anino ay umiiral lamang kung mayroong liwanag at bagay na humaharang dito. Ang kasamaan ay tunay na umiiral, ngunit ang kasamaan ay walang pag-iral na malaya mula sa Diyos na siyang liwanag at pinagmulan ng lahat ng kabutihan, at mga nilalang na may malayang ahensya upang mag-anino sa kabutihan ng Diyos.
Walang sinuman, pati man ang Diyos, ang tuwirang nagla-lalang ng kasamaan, tulad din ng walang sinuman sa mundo ang tuwirang gumagawa ng mga anino. Hindi tuwirang nilalang ng Diyos ang kasamaan, tulad din naman sa mundo na ang liwanag ay di tuwirang nilalang ang mga anino.
Kaya't upang maunawaan ang kasamaan, kailangan natin makilala na ang Diyos ay mabuti. Siya ang pinagmulan ng lahat ng kabutihan, at walang anino na kasama sa Kanya (James:1:17)
Ano Ang Kabutihan?
Sa Genesis 1 at 2, binigkas ng Diyos na ang lahat ng nilalang ay mabuti bago ang pagbagsak. Sinabi ni Jesus sa Mark 10:18 na walang mabuti kundi ang Diyos lamang. Ang Diyos ang pinagmumulan ng kabutihan, ngunit sa pagmamasid ni Thomas Aquinas, itinakda ang Diyos na mabuti dahilan lamang sa ang Diyos ang pinagmumulan ng kabutihan, tulad din ng pagtakda sa Diyos na isang pisikal na katawan sa dahilang Siya ang pinagmulan ng lahat ng pisikal na katawan.
Ang isang pansamantalang kasagutan ay ang kabutihan ay tumutugma sa karakter at sa pagnanais na kalooban ng Diyos. Tayo ay inutusang gumawa ng kabutihan sa 1 Tim 6:18, upang tayo ay maging mabuti sa isang limitadong kahulugan. Ang Diyos ay mabuti sa isang mataas na paraan dahil 1) Siya ang pinagmumulan ng lahat ng kabutihan, na ibinibigay Niya sa atin 2) Siya ang pamantayan kung alin ang kabutihan ay nakikita, 3) at walang lubos na mabuti kundi Siya.
Ano Ang Sinasaad sa Kasulatan Tungkol sa Kasamaan at Kasalanan
Gen 2:17 Nilalang ng Diyos ang puno ng karunungan ng kabutihan at kasamaan. Maraming beses na ang ating kaalaman ang nagsasabi kung ang ating layunin ay masama.
Romas 14:23 "...ang lahat ng hindi nagmumula sa pananampalataya ay kasalanan."
James 2:10 Ang pagsira sa isang punto ng batas ay dahilan upang ikaw ay maging isang salarin.
James 3:2 Kailangan ikaw ay maging perpekto upang hind maging mali sa iyong sinabi.
Psalm 37:19;49:5 Matthew 6:34 May mga pagkakataon na maaring maging masama.
Matthew 5:45 Ang araw ay sumisikat sa mga makatarungan at sa mga hindi makatarungan.
Konklusyon
Ang moral na kasamaan ay inilalarawan bilang kahit ano at kahit sino na sumusuway sa kabutihan, ayon sa paglalarawan ng Diyos. Hindi lamang tayo nakagagawa ng masasamang bagay, ngunit ang atin mismong mga sarili ay masasama. Ang kasamaan ay maiha-halintulad sa
Isang mandarayang timbang na pangsukat.
Isang butas sa tela ng kabutihan, o dili kaya ay
Isang anino ng liwanag ng Diyos.
Ngayong tayo ay mayroon ng ideya kung ano ang kasamaan, ang mga susunod na papeles ay magdi-diskusyon kung bakit pinili ng Diyos na payagan ang kasamaan.